Nagpatupad muli ng liquor ban ang local government ng San Pablo City sa Laguna at ang bayan ng Pateros dito sa Manila.
Kasunod ito ng muling pagtaas ng kaso ng coronavirus sa nasabing lugar.
Ayon kay San Pablo Mayor Amben Amante,nais nilang pigilan ang pagkakaroon ng social gathering kapag nagkakaroon ng inuman sa isang lugar.
Isa kasi ang pag-iinuman aniya na kaya muling dumami ang nasabing nasabing kaso ng coronavirus sa kanilang lugar.
Humingi na rin nito ng paumanhin sa mga establishimento na maapektuhan sa nasabing pagpatupad ng liquor ban.
Nais naman ni Pateros Mayor Ike Ponce na wala ng mahawaan pa at hindi na kumalat pa ang coronavirus sa kanilang lugar kaya ipinatupad ang pagbabawal sa pagbili ng mga nakakalasing na inumin.
Ayon sa Alkalde, may mga barangay sa kanilang lugar ang nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng nadapuan ng virus kaya minabuti naman nito na ipatupad ang liquor ban.
Nanawagan rin ito sa kaniyang mga mamamayan na makisama at tiniyak nito na kaniyang papatawan ng karampatang parusa ang sinumang lalabag.