-- Advertisements --

Inilagay sa “temporary lockdown” ang San Roque Cathedral sa Caloocan City matapos na madiskubreng nagpositibo sa COVID-19 ang bisitang pari na nasawi matapos atakihin sa puso.

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) nalaman nilang nagpositibo sa COVID-19 si Fr. Manuel Jadraque Jr matapos ang isinagawang post-mortem swab test.

Sinabi ni CBCP President Pablo Virgilio David, sumakay ng tricycle ang 58-anyos na pari papunta sa simbahan subalit inatake na ito sa puso.

Mismong si David ang humiling na i-swab test ang nasabing pari.

Pinagtatakahan din nila dahil fully vaccinated laban sa COVID-19 ang pumanaw na pari.

Hindi pa nagbigay ng impormasyo ang CBCP kung kailan muli nila bubuksan ang simbahan.