Tuluyan nang itinigil ng San Roque Dam ang pagpapakawala ng tubig kasunod ng pagbaba ng lebel ng tubig sa reservior nito.
Sa huling pagpapakawala ng tubig mula sa naturang dam, umaabot sa 402.52 cubic meteres per second inilalabas nito.
Dahil dito, naitala ng San Roque management ang muling pagtaas ng lebel ng tubig nito ay naabot ang 280 meters. Ito ay katumbas na mismo ng 280 meters na Normal High Water Level (NHWL).
Umangat ito mula sa dating 278.45 meters kahapon, bago isinara ang spillway gate ng dam.
Sa kabila ng pag-apaw ng dam, hindi na uli ito nagpakawala ng tubig pa.
Unang binuksan ang naturang dam noong nitong araw ng Lingo, kasabay ng paglapit ng Super typhoon ‘Pepito’ sa Central Luzon.
Ang San Roque Dam ang nananatiling pinakamalaking dam sa buong bansa.
Samantala, ibinaba na rin ng Ambuklao Dam ang volume ng tubig na pinapakawalan nito.
Mula sa walong gate na bukas kahapon, isinara na kasi ang tatlo at tanging limang gate na lamang ang nagpapakawala ng tubig na umaabot sa 355.27 cms. Ito ay halos kalahati ng kabuuang pinapakawalan kahapon na 759.16 cms.