Umaasa si national basketball team head coach Yeng Guiao na sana ay hindi mapasama ang Pilipinas sa bracket ng powerhouse Team USA sa magaganap na draw lots para sa FIBA World Cup.
Ginawa ni Guiao ang pahayag dahil sa nalalapit na ang FIBA Basketball World Cup 2019 Draw na mangyayari sa Shenzhen, China sa March 16.
Ayon sa Gilas coach, mahirap daw kasi na makalaban ang Team USA na halos lahat ay mga NBA players dahil kahit tsamba ay walang panalo ang Pilipinas.
Aniya, mas maigi na umano na ibang teams na lamang ang makaharap ng mga Pinoy baka magkaroon pa ng tsamba.
Ang prestihiyosong basketball extravaganza na kapapalooban ng 32 mga bansa kasama na ang Pilipinas kung saan ay hahatiin sa walong grupo para sa unang Group Phase games na magsisimula sa Agosto 31.
Kapana-panabik ang FIBA Basketball World Cup 2019 sa China dahil katatampukan din ito ng mga bigatin at mga iconic players tulad na lamang sa hinahangad ng Pilipinas na dream team.
Ito ay ang sabay sana na payagang maglaro sina Andray Blatche at Fil-Am NBA player Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers.