-- Advertisements --

Pinayuhan ni Sen. Panfilo Lacson si Vice President Leni Robredo na kusa na lamang maghain ng resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Lacson, matapos marinig sa Pangulo ang mga katagang wala na itong tiwala sa papel ng bise presidente bilang isa sa pinuno ng kampanya laban sa iligal na droga, mainam na lisanin na ni Robredo ang ICAD.

Giit ng senador, mahirap nang maresolba ang banggan ng paniniwala ng chief executive at ng vice president sa isyu ng war on drugs.

Una nang nilapitan ni Robredo si Lacson para humingi ng payo ukol sa paglaban sa droga, lalo’t dati itong hepe ng Philippine National Police.