-- Advertisements --
frank vogel
Lakers coach Frank Vogel (photo from Twitter)

Umaasa si Lakers coach Frank Vogel na tuluyan nilang ma-sweep ang best-of-seven series laban sa Miami Heat.

Ginawa ni Vogel ang pahayag matapos na muling dominahin ng Lakers ang Game 2 sa NBA Finals sa score na 124-114.

Aniya, dalawa pa ang kanilang kailangan kung saan ang Game 3 ay gagawin sa Lunes, alas-7:30 ng umaga.

Nagbigay pugay din naman si Vogel sa high level game na ipinapakita ng kanyang mga players.

“Hopefully we can get two more wins,” ani Vogel.

Para naman kay Lakers guard Alex Caruso, hindi pa sila tapos sa kanilang misyon.

Kailangan daw nilang makompleto ang apat na panalo.

“Until we get four wins,” wika pa ni Caruso. “We’re staying hungry.”

Una rito sa Game 2, nanguna sa opensa si James na halos triple double performance ang ginawa nang iposte ang 33 points, nine rebounds at nine assists.

Si Davis naman ay hindi nagpaawat sa kanyang 32 points kung saan naipasok ang 14 mula sa 15 mga tira.

Ang iba pang Laker players na nagpakitang gilas din ay sina Rajon Rondo na nagpakawala ng 16 points at kapwa naman may tig-11 puntos sina Kentavious Caldwell-Pope at Kyle Kuzma.