TUGUEGARAO CITY – Umaasa ang Consultative Committee (ConCom) na ia-adopt ng Kongreso ang kanilang binuong “Bayanihan Constitution.”
Reaksyon ito ni Ding Generoso, spokesperon ng ConCom na nagsagawa ng pag-aaral sa 1987 Constitution, sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng Kamara at Senado na gawing prayoridad ang Charter change (Cha-cha) at federalism at maipasa habang siya pa ang nakaupong presidente.
Ayon sa kanya, dapat na ipakita ng mga mambabatas na sila ay maka-administrasyon sa pamamagitan ng pagsuporta at pagsulong sa mga polisiya na nais isulong ng pangulo.
Kasabay nito, sinabi ni Geneoros na kung hindi naman sang-ayon ang Kongreso sa mga probisyon na nakasaad sa “Bayanihan Constitution” ay maaari namang ibasura ang panukala at magkaroon na lang ng people’s initiative.
Hindi naman aniya maaaring ipipilit na isubo ng mga mambabatas sa mga mamamayan ang mga nais nilang pagbabago sa saligang batas