-- Advertisements --
VIGAN CITY – Hiniling ng Makabayan Bloc na maimbestigahan ang paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay na proyekto ng Department of Environment and Natural Resources.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay ACT Teachers Rep. France Castro, sinabi nito na inihain nila ang House Bill No. 1194 sa Kamara upang maaksyunan ang pagbuhos ng dinurog na dolomite boulders sa baywalk area ng Manila Bay.
Aniya, marami ang tumututol sa paglalagay ng puting buhangin doon dahil sa posibleng impact nito sa kalusugan at kapaligiran.
Idinagdag pa nito na hindi dapat ginagawa ng DENR ang proyekto kasabay ng pandemic dahil malaking bagay na sana ang inilaang P389 milyong pondo para sa coronavirus response.