-- Advertisements --

CEBU CITY – Umaasa si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na magiging malaya, transparent, at taos-puso pa rin, ang pamamahala ng Senado lalo kasabay ng pagpasok ng tinaguriang “Magic 12.”

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Sotto, sinabi nito na mananatili ang liderato ng mga senador kahit na pasok sa Top 12 ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala pa rin ang Senate president na “credible” ang resulta ng bilangan lalo na at nagpapatuloy ang tally nito mula sa National Board of Canvassers.

Samantala, sinabi rin ni Sotto na kailangan nilang gumawa ng paraan upang mapigilan ang diumanoy talamak na bilihan at bentahan ng boto.

Ito ay sa pamamagitan ng isasagawang Senate inquiry upang imbestigahan ang diumano’y massive vote buying and selling sa bansa.

Dagdag pa ni Sotto na iimbestigahan sa June hearing ang naging mga aberya sa nakalipas na 2019 midterm elections gaya ng hindi gumaganang mga vote counting machines at corrupted na SD (secure digital) cards.