ILOILO CITY – Muling isasagawa ngayong araw ang Dugong Bombo 2020 sa Iloilo.
Ito ay gaganapin sa Don Valerio Palmares Sr. Memorial District Hospital sa Passi City sa pakikipagtulungan ng Bombo Radyo Iloilo, local government unit ng nasabing lungsod sa pamamagitan ng kanilang “Dugo Ko, Ibulig Ko, Passinhon Ako” program, at Philippine Red Cross.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Passi City Mayor Stephen Palmares, sinabi nito na positibo ito sa magiging resulta ng Dugong Bombo 2020 ngayong araw.
Ayon kay Palmares, nakatipon ng 103 bag ng dugo sa Dugong Bombo noong Hulyo 22 at umaasa ito na mas marami ang makikibahagi at magiging successful blood donors ngayong araw.
Tiniyak naman ni Palmares na masusunod ang mga safety at health protocols kasabay ng blood letting activity.