-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Handang sumailalim sa 14-day quarantine kapag makauwi ng Pilipinas si Weightlifting star Hidilyn na kasalukuyang stranded sa Malaysia dahil naabutan ng lockdown habang naghahanda sa Tokyo Olympics.

Dalawang linggo din siyang natigil sa ensayo sa nasabing bansa nang biglang nag-lockdown at pinaalis sila sa stadium dahilan na parang nag-back to zero ang lakas niya.

Mabuti umano at nakabili siya ng barbell online kaya naipagpatuloy niya ang ensayo sa hotel na pansamantalang tinutuluyan.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Diaz, hindi pa umano niya alam kung kailan siya makakauwi dahil hinihintay pa nilang makapasok din sa Pilipinas ang American at Chinese coaches niya.

“Hopefully maka pasok sila then hopefully kung ma quarantine ako pag uwi sana may barbell, kasi pag hindi ako nakapag training ng 14 days back to zero ako somahirapan nanaman akong bumalik. Yon yong mga kailangan naming harapin pag uwi,” ani Diaz.