Kinumpirma ni President Donald Trump na iniutos na niya ang pagpataw ng pinakamabigat na sanctions sa central bank ng Iran.
Tinawag pa ni Trump ang naturang hakbang ng Amerika bilang “highest level.”
Ito aniya ang pinamalaking parusa na ipinataw sa isang bansa.
Ginawa rin ng Presidente ang deklarasyon sa harap ng mga mamamahayag sa Oval Office kung saan may bilateral meeting siya kay Australian Prime Minister Scott Morrison.
Bago ito ay nagbanta si Trump nang panibagong sanctions kasunod nang serye sa pag-atake sa Saudi Aramco gamit ang drones at cruise missiles.
Ang naturang pag-atake ay isinisisi ngayon ng Saudi Arabia at Amerika sa Iran.
Kung ipapaalala noon lamang buwan ng Hunyo nagpataw din ng sanctions ang Amerika kung saan pinagbabawalan sina Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Kahmenei at mga top diplomat gaya nina Foreign Minister Javad Zarif na maka-access sa financial instruments para hindi sila makapaghasik daw ng terorismo.