Ipinahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang kanyang hindi natitinag na pangako sa pagpapaigting ng mga programa para sa kapakanan ng mga refugee at mga stateless person.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng pangunguna ng Department of Justice – Refugees and Stateless Persons Protection Unit sa paglulunsad ng kauna-unahang National Refugee Day 2024.
Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 265 series of 2023 na nagdedeklara sa Hunyo 20 ng bawat taon bilang “National Refugee Day,” lahat ng ahensya at instrumento ng pambansang pamahalaan, kabilang ang Government-Owned or-Controlled Corporations (GOCCs), state universities and colleges, Ang mga local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs) at maging ang pribadong sektor ay inaatasan na aktibong lumahok at suportahan ang mabisang pagpapatupad nito.
Itinatampok ng 1st National Refugee Day ang taimtim na pangako ng bansa na magbigay ng makataong pagsisikap, magbigay ng proteksyon at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga refugee, asylum-seekers, mga taong walang estado, mga aplikanteng stateless person .
Ayon kay Remulla, ang mga Pilipino ay kilala sa mabuting pakikitungo.
Bilang nangangasiwa sa tanggapan ng Refugees and Stateless Persons Protection Unit , ang Office of the Chief State Counsel sa ilalim ng pangangasiwa ni Undersecretary Raul T Vasquez, ay nangunguna sa lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa nasabing kaganapan.