-- Advertisements --

ILOILO CITY – Agaw pansin ang ginawang sand at chalk art ng mga Ilonggo artist bilang pagpapakita ng suporta kay Rabiya Mateo.

Ang sand art ay gawa ng Freeman Resort Sand Art Team sa Arevalo, Iloilo City.

Matandaan na noong nanalo si Rabiya sa Miss Universe Philippines, gumawa rin ang grupo ng sand art.

Samantala, gumawa naman ng chalk at charcoal art ang mga ilonggo artists sa Iloilo Business Park.

Ang mga ito ay gawa nina Kristoffer Brasileño, Jester Macabanti at Kyle Sarte.

Ayon sa grupo, gusto nilang ipakita sa pamamagitan ng art sa kababayang Ilongga na suportado siya ng mga ito sa Miss Universe competition.