-- Advertisements --
Nag-trending ang Korean-Filipina singer na si Sandara Park sa Twitter matapos na ito ay magsalita ng Tagalog sa isang Korean show.
Sa isang video na ibinahagi ng netizen, makikitang nagsagawa ng impromptu skit si Sandara at Korean actress Choi Su-rin.
Dahil sa nawalan na ng salitang Korea si Sandara ay nag-tagalog na ito.
Ikinagulat ng mga Koreans ang ginawa nito ni Sandara dahil hindi nila maintindihan ang pinagsasalita nito.
Umabot sa halos 50,000 na re-tweets ang nasabing video matapos na ito ay maipost ng isang oras.