-- Advertisements --

Pinarangalan ang Kpop idol na si Sandara Park sa 33rd Seoul Music Awards, na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Tinanggap ni Sandara ang KPOP Special Award sa naturang gabi ng parangal.

Ito ang unang beses na naimbitahan ang nasabing performer sa nakalipas na sampung taon.

It’s still a little strange to be alone on such a good stage [sa lenggwaheng Koreano],” Sabi ni Dara sa kanyang speech, matapos tanggapin ang parangal.

Lubos ang pasasalamat ni Sandara sa mga naging kamiyembro niya girl group na 2ne1 na sina CL, Park Bom and Minzy. Kahit disbanded na ang grupo, patuloy pa rin ang pagbibigay-inspirasyon at suporta nila sa isa’t-isa ayon sa singer.

Nagpasikat din sa entablado si Dara, matapos niyang iperform ang kantang ‘I am the Best’ ng 2ne1 sa naturang awards night.

Unang nadiskubre ang talento ni Sandara sa noong sumali siya sa isang talent search television program sa Pilipinas noong 2004.

Simula noon, bumida na siya sa ilang romantic comedy film at tinawag na ‘Pambansang Krung-krung,’ ng mga fans.

Nagsimula ang debut niya sa South Korea bilang miyembro ng isa sa pinaka sikat na girl group na 2ne1 noong 2009.

Bagamat hindi na aktibo ang naturang grupo, patuloy pa rin ang paglabas ni Dara sa mga TV guestings. Nagrelease din ang naturang singer ng solo album noong nakaraang taon.