Time-out muna si 2020 Democratic presidential candidate Benie Sanders mula sa pangangampanya matapos nitong sumailalim mula sa heart procedure.
Kasalukuyang nagpapagaling si Sanders sa ospital dahil sa arterial blockage.
Nasa kalagitnaan ng kampanya si Sanders sa Nevada nang bigla na lamang daw sumikip ang kaniyang dibdib.
Matapos ang operasyon, ibinahagi ni Sanders sa kaniyang Twitter account na nasa maayos na itong kalagayan. Ginamit niya rin ang oportunidad na ito upang isulong ang kaniyang healthcare policy.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung hanggang kailan magpapahinga ang presidential candidate mula sa operasyon at kung maaapektuhan nito ang pagdalo ni Sanders sa susunod na Democratc debate.
Batay sa huling datos, nasa ikatlong spot si Sanders sa Democratic race habang pumapangalawa naman si Massachusetts Senator Elizabeth Warren at nangunguna pa rin si dating Vice-President Joe Biden.