-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan ang motion to quash na inihain ni House Appropriations Committee chairman Rolando Andaya sa kasong graft at malversation na may kaugnayan sa P900 million Malampaya fund scam.

Sa 28 pahinang resolusyon na na inilabas noong Marso 6, hindi pinagbigyan ng anti-graft court ang kahilingan ni Andaya na ibasura ang 194 na kasong isinampa laban sa kanya.

Ito ay kahit pa sinabi ni Andaya na ang pagpirma tulad ng special allotment release orders ay hindi naman nangangahulugan na ito ay may element na ng graft at malversation.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Andaya na ang kaso laban sa kanya ay “fatally deffective” dahil bigo raw itong maipakita na nakibahagi siya sa naturang scheme.

Pero sinabi ng Sandiganbayan na ang mga ebidensya laban kay Andaya ay sufficient in form.

Tinukoy pa nito ang resolusyon noong Agosto 2018 na nagsabi na lahat ng prosekusyon ay dapat na sabihin sa kanilang charge sheets na ito ay “ultimate facts”.