Pinagbabayad ng Sandiganbayan ang isang dating deputy commissioner ng Bureau of Customs ng multang P15,000 matapos na hindi makapaghain at non-disclosure ng kanyang assets sa kanyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Sa desisyon na may petsang May 10, hinatulang guilty ng Sandiganbayan Sixth Division si dating deputy commissioner Prudencio Reyes Jr. sa tatlong bilang ng paglabag sa Section 18 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.
Ang hatol laban kay Reyes ay may kaakibat na multang P5,000 sa bawat bilang.
Samantala, inatras naman ng anti-graft court ang falsification charge matapos hilingin ng ito ng prosekusyon nang magpasok sila sa isang bargaining agreement sa defense.
Si Reyes ay nadiin sa umano’y kabiguan nitong isapubliko ang kanyang business interests at financial ties sa All in One Entertainment Corp., ang kanyang koneksyon sa Prudence Group of Companies, at ang kanyang 2005 Honda TMX123 motorcycle sa kanyang SALN noong 2010.
Bigo rin siyang ilahat ang kanyang financial connections sa All in One Entertainment Corp sa kanyang 2011 SALN.
Ayon sa Sandiganbayan, naghain ng guilty plea si Reyes sa kanyang mga paglabag sa SALN sa kanyang arraignment noong Mayo 10.