Mismong ang Sandiganbayan Third Division na ang naghain ng “not guilty” plea para kay dating Camarines Sur 1st District Rep. Rolando Andaya sa kaso nitong graft at malversation of public funds.
Ito ay matapos na tumanggi si Andaya na maghain ng anumang sagot o argumento sa kanyang scheduled arraignment nitong araw.
Si Andaya at iba pang indibidwal ay inaakusahan nang pagpayag sa Department of Agrariran Reform na bigyan ng alokasyon na P10 million ang Abundant Harvest for Peoples Foundation Inc., (AHPFI), nang siya ay budget secretary pa noong 2009.
Kinuha umano ang naturang halaga sa kontrobersiyal na P900-million Malampaya funds na nakatakda sanang gamitin sa mga energy projects pero ginamit para suportahan ang mga programa ng Malacanang sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ang AHPFI ay isa sa mga bogus na NGOs na binuo ni convicted pork barrel mastermind Janet Lim Napoles.