Iminungkahi ni Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda sa mga law enforcement agencies na tutukan ang paghuli sa mga bigtime drug manufacturer sa bansa.
Ayon kay Justice Miranda, kailangang unahin ang mga malalaking protektor ng illegal drugs trade sa bansa, upang maputol ang pinka-ugat ng problema ng Pilipinas sa kalakalan ng iligal na droga.
Makakatulong din aniya ito upang maputol ang supply.
Ayon sa opisyal, kailangan nang tanggalin ang mga inilalatag na qouta o target na bilang ng mga maaaresto na isa sa mga nagsisilbing batayan ng prmosyon ng mga pulis.
Sa ganitong paraan aniya ay makakapag-pokus pa ang kapulisan sa mga malalaking personalidad na nasa likod ng kalakalan ng droga.
Pero paglilinaw ni Miranda, hindi ito nangangahulugang kalimutan na ang mga maliliit na drug personalities bagkus, ay tuloy-tuloy pa rin ang paghuli sa kanila.
Batay sa datus ng Sandiganbayan, 70% ng mga preso sa bansa ay nahaharap sa mga drug-related cases.
Mayroong mahigit 122,000 PDL sa bansa at sa likod ng 70% na drug related cases, 107 lamang dito ang mga nahuli at natukoy na drug manufacturer.