Binawi ng Sandiganbayan ang kaniyang desisyon at pinasawalang sala si Senator Jose “Jinggoy” Estrada sa isang count ng direct bribery at two counts ng indirect bribery dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
May kinalaman ang kaso sa hindi tamang paggamit umano ng P183 milyon sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) allocations.
Nakasaad sa 26-pahinang desisyon na inilabas noong Agosto 22 mula sa anti-graft court na bukod sa P1 milyon na naideposit sa Bank of Commerce account ni Estrada noong Setyembre 18, 2008 na sinasabi sa piskalya ng witness na si Benhur Luy bilang Summary of Rebates ay hindi nagbigay pa ng prosecutor ng ibang ebidensiya na ang pera ay ipinadala kay Estrada.
Ang summary of rebates ay sinasabi ni Luy na nagpadala ito ng P5-M sa dating aide ni Estrada na akusado din na si Pauline Labayen.
Nagsisilbi si Luy bilang financial officer ng non-government organization na pag-aari ni Janet Napoles.
Magugunitang noong Enero ay na-acquit si Estrada sa kaniyang kasong plunder na may kinalaman sa hindi tamang paggamit ng PDAF.
Napatunayan naman ito ng guilty sa bribery at kaniyang inapela naman ito.