ILOILO CITY – Kinatigan ng Sandiganbayan ang naunang desisyon na hatulan ng anim hanggang walong na taong pagkabilanggo ang Senate whistleblower at dating Iloilo Provincial Administrator na si Manuel ‘Boy’ Mejorada.
Sa inilabas na desisyon ni Associate Justice Zaldy Trespeses, at sinangayunan naman nina Associate Justices Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta at Georgina Hidalgo, binasura nila ang motion for reconsideration nina Mejorada at dating General Sercives Office (GSO) head Ramie Salcedo.
Sina Mejorada at Salcedo ay guilty sa paglabag sa sec.3 (e) ng Republic Act 3019 o Graft and Corrupt Practices Act.
Napag-alaman na nag-ugat ang kaso dahil sa pagbili ng sa overpriced na laptop noong administrasyon ni the late Iloilo Governor Neil Tupas Sr.
Napag-alaman na na nasa P99,000 ang request para sa nasabing laptop ngunit nasa P59,000 lang ang totoong halaga nito.
Si Mejorada ay dating whistle blower kung saan humarap ito sa Senado upang idiin si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa diumanoy overpriced na Iloilo Convention Center.