Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 7th Division si dating QC Mayor Herbert Bautista kasama ang City Administrator na si Aldrin Cuña dahil sa kasong may kinalaman sa pagkakasangkot nito sa katiwalian.
Ang naturang kaso ay may kinalaman sa pagkakasangkot nito sa higit P32 milyong kontrata sa isang Online Occupational Permitting Tracking System na proyekto ng lungsod noong taong 2019 sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Aabot naman sa hindi bababa sa anim na taon at isang buwan na hindi lalagpas ng sampung taon ang naging hatol ng anti-graft court na pagkakabilanggo laban kay Bautista at Cuña.
Bukod dito ay kapwa pinatawan ang dalawa ng perpetual disqualification sa paghawak sa mga pampublikong panunungkulan.
Samantala, walang ipinataw ang anti-graft court na anumang pananagutang sibil laban sa dalawa.