-- Advertisements --

Ibinasura na ng Sandiganbayan ang dalawang ill-gotten wealth cases na kinasasangkutan ng tycoon na siy Eduardo Cojuangco Jr, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr at dating first lady Imelda Marcos.

Ang desisyon ng korte ay kasunod ng pag-atras na gobyerno sa kaso matapos ang nagpapatuloy na negosasyon para compromise agreement at ang nagdaang rulings ng Korte Suprema.

Sa inilabas na 34-pahinang desisyon na may petsang Disyembre 5, na pinagbigyan ng anti-graft court ang motion ng gobyerno na iatras na ang Civil Case No. 0033-A at ang Civil Case No. 0033-F.

Ang Civil Case 0033 ay ang pakikipagsabwatan umano ni Cojuangco kina dating pangulong Marcos, Imelda Marcos at iba pa na gamitin ang Philippine Coconut Authority (PCA) at ang Coconut Consumers Stabilization Fund (CCSF) para manipulahin ang pag-angkinnila ng 72.2 percen ng First United Bank para sa kanilang sariling interest.

Habang ang Civil Case 0033-F ay inakusahan si Cojuangco at ang mga kasamahan nito sa hindi tamang paggamit ng coconut levy funds para makabili ng dalawang bloke ng San Miguel Corporation Shares na isang paglabag kapag kinukulekta na ang levy.

Dahil sa walang komontra noong nagdaang July 2024 hearing ay pinagbigyan na ng Sandiganbayan ang hiling ng korte na ibasura na ang kaso.