-- Advertisements --

Inabswelto ng Sandiganbayan ang apat na empleyado ng Land Bank of the Philippines mula sa graft charges dahil sa kakulangan ng ebideniya.

Kabilang sa mga inacquit ay sina Emelyn Pizarro, cashier, Hendrei Soriaga, accounts clerk; Danilo Panaguiton, teller at Ricardo Epino, document examiner.

kinasuhan ang mga ito dahil umano sa pagpapahintulot sa LBP check na nagkakahalaga ng P364,892.61 sa pangalan ni Revenue Collection Officer II Marina Coronel na nagretiro noong Enero 23, 1998 na madeposit sa isang account na hindi umano para sa payee.

Ayon sa prosecution, pineke umano ang lagda ni Coronel para mawithdraw ang pera noong Oct 15, 1998.

Subalit sa kasagsagan ng trial, nabigo ang prosecution na maipresenta sa korte si coronel para patunayan ang kaniyang akusasyon at wala din sa mga police officers na sumuri sa sisnumiteng dokumento ni Coronel na umano’y pineke ang kaniyang lagda ang tumistego sa mga pagdinig.