Inabswelto ng Sandiganbayan ang dating Bureau of Corrections (BuCor) official na hinatulang guilty dahil sa inaccuracies sa kaniyang 2010 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Sa 19 na pahinang desisyong inilabas noong Nobiyembre 11, pinawalang bisa ng anti-graft court ang naging desisyon ng Manila Regional Trial Court noong January 2022 na nagpataw ng guilty verdict kay Delia Morala na dating Bureau of Customs (BOC) Operations Officer V.
Sa pasya ng korte, sinabi nitong ang acussed-appelant na si Morala ay nakagawa ng kamalian subalit ang pagkakamaling ito o dishonesty ay walang kinalaman sa kaniyang posisyon, pagdating naman sa liability sa ilalim ng Article 171(4) para sa falsification ng isang public officer, pinaburan ng korte na inosente dito si Morala.
Una rito, nag-ugat ang kaso laban kay Morala matapos na mabigong ilahad sa kaniyang SALN na ang kaniyang asawa ay isang incorporator at stockholder ng isang real state firm.
Subalit dinipensa nito na hiwalay na siya sa kaniyang asawa noong panahon na iyon at hindi din nito alam na nagi-exist ang naturang estate firm at isang incorporator at stockholder sa naturang kompaniya.