-- Advertisements --

VIGAN CITY – Ipinag-utos na ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa mag-ama na si dating Mayor Zuriel Zaragoza at ang ama nito na si Edgardo Zaragoza kabilang na ang dating Municipal Accountant Melody Cadacio at education research assistant Mario Cabinte at Constante Cabitac.

Ipinila ni dating Narvacan Mayor Luis Chavit Singson ang kaso kontra sa mga nasabing opisyal sa bayan ng Narvacan dahil sa umano’y pagkadawit ng mga ito sa PHP81-M na pondong hindi umano nagamit nang tama.

Nagsilbing witness sa naturang kaso si dating Farmers Association President Constante Cabitac kung saan tinalakay nito na aabot sa sampung beses ang pag-withdraw ng pera kabilang na ang PHP35-M na tseke kapalit ng grocery allowance na mariing kwinestyon naman ng mga apat na akusado.

Depensa ng mga akusado na natanggap ng mga magsasakang benepisyaryo ang PHP81-M na pera, farm equipment at tama umano ang pagkakagamit ng pera.

Gayunman, nairekomenda ang PHP210K na pyansa sa mga akusado para sa kanilang temporaryong paglaya.