-- Advertisements --

Nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng mga kasong inihain ng prosecutors sa Sandiganbayan noong nakalipas na taon na kung saan ay umabot lamang ito sa 138  na kaso.

Ang bilang na ito ay mas mababa sa inihaing kaso noong 2023 na umabot sa 263, 240 noong 2022 habang 163 noong 2021.

Batay sa datos ng Statistics on Cases Filed, Pending and Disposed ng anti-graft court , aabot sa 625 na kaso ang ni-revive ng mga prosecutors noong nakaraang taon.

Mula sa naturang summary, lumalabas na aabot sa 2,253 cases ang hinawakan ng Sandiganbayan noong 2024.

Sa naturang bilang , aabot sa 1,024 cases ang naresolba na at 1,229 cases ang nananatiling pending.

Kung maaalala, aabot sa 117 na kaso ang naihain sa anti graft court noong Covid-19 pandemic dahil sa pangangailangang i-shut down ang mga opisina ng gobyerno.