Napatunayan ng Sandiganbayan na hindi guilty si Janet Napoles at dating Agusan del Sur Representative Rodolfo “Ompong” Plaza sa malversation at graft case.
May kaugnayan ito sa hindi tamang paggamit ng P27.5 milyon na Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sa 234 pahinang desisyon ng Sandiganbayan ay napatunayang “not guilty” si Napoles, Plaza at walong iba pa.
Itinuturing na isang balidong pagpapalabas ng gobyerno ang PDAF ni Plaza sa non-government organizations na Social Development Program for Farmers Foundation Inc. (SDPFFI) at Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, Inc. (MAMFI) .
Wala rin aniyang pruweba o ebidensiya na tumanggap sila ng kickbacks o pera na may konektado sa Special Allotmanet Release Order (SARO).
Kasabay din nito ay ibinasura ng Sandibanbayan ang two counts na direct bribery cases laban kay Plaza dahil sa bigo ang prosecution na maglabas ng ebidensiya na tumanggap ang mambabatas ng commission.
Inatasan din ng anti-graft court na tanggalin na ang Hold Departure Orders (HDO) laban sa mga nabanggit na indibidwal.