-- Advertisements --
sandra cam pcso
PCSO Director Sandra Cam during Senate probe on corruption allegations

Nanawagan si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na siya sa opisina.

Ito ay dahil sa patuloy aniyang nagaganap na korapsyon sa PCSO.

Sinabi nito na suportado niya ang kampanya ng Pangulo laban sa korapsyon.

Tinukoy nito ang aabot sa P10 bilyon nawala dahil sa Peryahan ng Bayan project.

Kung maaalala noong buwan lamang ng Marso nagpalabas naman nang paglilinaw ang Malacanang na nag-resign sa kanyang puwesto si PCSO general manager Alexander Balutan at hindi sinibak sa tungkulin.