Sa pahayag ni Sandra Cam sa naganap na press conference nitong January 18, 2023 ipina abot niya ang paghingi ng tawad kay dating Senator Leila de lima.
Kasama niya si de Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City at doon ay nakapag usap sila ng masinsinan.
Sinabi pa niya, nagsasalo sila sa pagkain at lalong tumibay ang kanilang pagkakaibigan noong ma hostage si de Lima ng Abu Sayyaf.
Masaya raw siya na ngayon ay at peace na ang kanyang loob dahil nakahingi siya ng tawad kay De Lima.
Naging emosyonal sila, nagyakapan sa Custodial Center at ibinigay nya ang kanyang mahal na birhen ng manawag, sinabihan niya pa raw si De Lima ng “stay strong.”
“The realization that I was used as a tool for the imprisonment of Senator Laila Delima, nakita ko at naranasan ko mismo ang sakit at paghihirap sa kanyang pagkakulong. At humingi na ako ng kapatawaran at pagsisi sa aking pagkakamali. Restoration of our friendship is the most important than politics,” sinabi ni Sandra Cam.
Matatandaan na bago pa man makulong si Sandra Cam, ina akusahan niya si de Lima sa pagpatay sa whistleblower, at binantaan niya din ang nasabing senador na marami siyang baho na isisiwalat tungkol sa kanya.
Magkabigan raw sila noong si de Lima pa ang chairman ng commission on human rights at noong nasa DOJ na ay napabayaan niya ang kasamahan ni Cam na whistleblower at hindi niya binigyan ng witness protection program.
Sa kabila nito, naging maayos naman raw ang kanilang pag uusap doon sa Custodial Center.