Pinawalang-sala ng Manila Regional Trial Court Branch 42 si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam sa kasong murder o pagpatay sa bise-alkalde ng Masbate na si VM Charlie Yuson III noong 2019.
Inabswelto rin ng korte ang anak na lalaki ni Sandra Cam na si Marco Martin Cam at limang iba pa sa kabiguan ng prosekusyon na patunayang guilty sila sa nasabing kaso.
Ayon sa legal counsel ni Sandra Cam na si Atty. Buenaventura Miranda inaasahang matanggap nila ang kopya ng desisyon ngayong araw para sa pagpapalaya sa akusado.
Sa parte naman ni Batuan Masbate Mayor Charmax Jan Yuson, anak na lalaki ng pinaslang na Bise-Alkalde, dismayado sila sa naging desisyon ng korte at maghahain ng motion for reconsideration.
Magugunita, nag-ugat ang naturang kaso matapos ang pag-atake na pumatay sa nakatatandang Yuson at ikinasugat ng kaniynag kasamaha habang sila ay nag-aalmusal sa may Sampaloc, Maynila noong Oktubre 9, 2019.