LEGAZPI CITY – Ipinauubaya na lang ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang magiging hakbang sa pagbabawal sa ilang opisyal ng pamahalaan na pumasok sa Estados Unidos.
Ito ay kasunod ng umano’y partisipasyon sa pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Cam na umano’y kabilang sa sinasabing listahan ng mga banned sa US, bahala na umano ang legal department ng pamahalaan na magdesisyon para dito lalo na’t diplomatic issue.
Hindi rin aniya gaanong apektado ang opisyal kahit pagbawalan na pumasok sa US dahil mas nais nitong manatili sa Pilipinas.
Una na ring napag-alaman na kabilang pa sa naturang listahan ang kapwa Bicolano na si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez at Presidential Spokesman Salvador Panelo.