-- Advertisements --

Sa kabila ng mga natatanggap na banta sa buhay, nanindigan si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam na itutuloy pa rin nito ang pagsisiwalat sa mga kaso ng korupsyon sa loob ng ahensya.

Sa isang panayam sinabi ni Cam na may mga dokumento siyang hawak na makagdidiin sa ilang high-ranking officials, kabilang na ang ilang retired military generals, bilang sangkot sa katiwalian.

Aminado ang PCSO board member na marami na itong natatanggap na death threat.

Pero handa raw niyang ibuwis ang buhay kapalit ng pagiging tapat sa bansa.

Kung maalala, ipinahinto ni Pangulong Duterte ang operasyon ng PCSO gaming schemes kamakailan dahil sa issue ng korupsyon.