-- Advertisements --

Hindi na napigilan ni Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang naging banat ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang ama na si Pang. Ferdinand Marcos Jr., at sa kaniyang lolo na si dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr.

Sa isang pahayag sinabi ni Rep. Marcis na dahil sa respeto sa pangalawang Pangulo at sa responsibilidad na hawak nito bilang pangalawang lider ng bansa.

Sinabi ng nakakabatang Marcos na bilang anak hindi siya pwedeng manahimik lalo at nagbanta si VP Sara na hukayin ang labi ng kaniyang lolo na dating pangulo at itatapon sa West Philippine Sea at pugutan ng ulo ang kasalukuyang pangulo ng bansa.

Ang pahayag ni VP Sara sa kaniyang presscon ay mariing kinondena ng sambayanang Filipino na hindi makapaniwala sa kaniyang pinagsasabi.

Giit ni Rep. Marcos hindi sinagot ng Pangulo ang naging banat ni VP Sara.

Pinayuhan umano siya ng kaniyang tatay na si Pang. Marcos na ikimkim na lamang ang kaniyang disappointment sa vice president at huwag ng magsalita pa.

Ang paggiging ballistic ni VP Sara ay posibleng self therapy subalit lumagpas na ito sa linya.

Binigyang-diin ng Kongresista na panahon na para pangalagaan ang mental health ng bawat isa.

Hangad naman ni Rep. Marcos kay VP Sara na makamit nito ang peace of mind at kalinawan ng pag-iisip.