-- Advertisements --

Ikinatuwa ng actor na si Sandro Muhlach ang inilabas na desisyon ng Pasay City Regional Trial Court 11 na ibinasura ang motion to Quash ng independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa kasong sexual assault.

Sinabi ng actor na kanilang ipinaglaban ang kaso dahil sa binabaligtad pa ng dalawa ang reklamo sa kanila.

Giit nito na hindi siya titigil at itutuloy ang paglaban sa nasabing kaso.

Nagbigay naman ng suportado ang ama ng actor na si Niño kung saan hindi sila titigil na ilaban ang kaso.