-- Advertisements --

Kinasuhan ng actor na si Sandro Muhlach ng cyber libel ang ilang mga internet users.

Ayon sa National Bureau of Investigation -Cybercrime Division, na mayroong 100 na mapanirang post laban sa actor.

May kinalaman ito sa sinapit ng actor sa dalawang independent contractor ng isang telebisyon.

Nanawagan naman ang lolo ng actor na si Alexander Muhlach na irespeto ang privacy ng kaniyang apo.

Magugunitang kinasuhan na rin ng actor ang dalawang independent talent contractor ng isang telebisyon dahil sa pang-aabusong sekswal.