Naglabas na ng kaniyang pahayag ang actor na si Sandro Muhlach matapos ang naganap na pang-aabusong sekswal sa kaniya.
Sa social media account nito ay labis siyang nagpapasalamat sa hustisya sa bansa dahil hindi siya pinabayaan.
Ang nasabing paglabas ng pahayag ng actor ay kasunod ng pormal na pagsampa na ng Department of Justice ng kasong sexual abuse laban sa independent contractors ng GMA network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Sinabi nito na maraming mga hamon ang kaniyang hinarap at dagdag na sakit mula sa pangungutya ng publiko.
Dagdag pa nito na ramdam niya ang takot ng mga biktima ng pang-aabuso lalo na noong sila ay lumantad kung saan naharap ang mga ito ng online bullying at kritisismo.
Hinikayat nito ang mga may parehas na karanasan na lumantad at huwag magpadaig sa mga nais na magpatahimik sa kanila.