-- Advertisements --

Iginiit ni Sandro Mulach na may mas mabigat na kasong kinakaharap laban sa dalawang independent contractors na sina ng isang TV network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Sa post si Sandro Muhlach sa kaniyang social media noong Pebrero 13 nilinaw nito ang patuloy na ginagawang paglaban sa legal na kasong isinampa laban sa dalawang contractor.

Ito ay matapos ibasura ng Pasay Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 46 ang mga kasong acts of lasciviousness laban sa dalawang indibidwal. Ngunit binigyang-diin ni Sandro na hindi ibig sabihin ay natapos narin ang kasong isinampa nila kahit pa nabasura ang mga ito.

‘The case wasn’t dismissed, just one of the charges. The court removed the acts of lasciviousness charge because it’s already part of the sexual assault case, which is still ongoing,’ ani Sandro.

Dagdag pa ni Sandro, ‘Meaning, mas matindi ang magiging kaso.’

Ayon pa kay Sandro na magsasampa sila ng motion for reconsideration para sa mga na-dismiss na kaso.

Sa isa pang Instagram story nitong Pebrero 14, muling ipinaabot ni Sandro ang kanyang determinasyon, na nagsabing, ‘Hindi pa tapos, see y’all in court!.’

Pahayag ni Sandro Mulach sa kaniyang post sa IG

Nababatid na ang pagbasura ng mga kasong acts of lasciviousness ng Pasay MTC Branch 46 ay kasunod ng mga ulat na nagsasabing tinukoy ng korte na hindi na kailangan pa ang mga ito dahil kasama na ito sa kasong sexual assault na kasalukuyang dinidinig.

Kung saan ang Pasay Regional Trial Court (RTC) ang hahawak sa mas mabigat na kasong rape.

Samantala nagbigay din ng pahayag si Senador Jinggoy Estrada hinggil sa kaso, na nagsasabing ang pagbasura ay batay sa “mere technicality” at hindi nito binabawasan ang bigat ng kasong rape na kasalukuyang isinampa ng kampo ni Sandro.

Matatandaan na ang kaso ay naging usap-usapan noong 2024 matapos lumabas ang isang blind item na nagsasabing isang bagong artista ang nakaranas ng sexual harassment mula sa dalawang network executive habang nagaganap ang isang pagtitipon sa isang hotel.

Ito ay nagbigay daan sa ilang Senate hearings na nagbukas ng usapin ukol sa pagpapalakas ng mga batas laban sa sexual abuse, harassment, at assault.