-- Advertisements --

Viral sa social media ang video ang pagsilang sanggol sa eksaktong oras ng pagsapit ng bagong taon sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital in Sta. Cruz, Manila.

Nahagip sa viral video ang orasan, kung saan pagpatak ng 12:00 AM, ipinanganak na rin ang sanggol sa sinapupunan ni Ronalyn Concepcion, 23. Rinig din ang mas lumalakas na paputok ng bagong taon sa naturang video.

Pinangalanan ni Concepcion at ng nobyo na si John Michael Dizon ang New Year Baby na Jhaiden Railey.

Espesyal daw para sa mag-partner ang kapanganakan kay Jhaiden, dahil bukod sa iniluwal ang supling sa Bagong Taon, bagong mga magulang din sina Concepcion at Dizon.

Ibinahagi naman ng first time mom na bagamat nahirapan daw siya sa panganganak, napawi naman ito nang makita na niya ang sanggol na malusog.

Di rin magkamayaw ang luha ni Dizon sa saya dahil tatlong taon daw ang hinintay nila para magkaroon ng supling.

Hiling ng 22 aƱos na ama na laging maging malusog ang anak, at pagsisiskapan aniya na mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya nila.

Bumyahe pa sina Concepcion at Dizon mula General Mariano Alvarez, Cavite, at nakarating sa nasabing ospital ng 7:00 PM, bisperas ng bagong taon.