-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa ligtas na sitwasyon na sa ngayon ang isang baby girl na natagpuan sa sagingan sa Purok San Antonio, Barangay San Roque, Koronadal City noong Biyernes Santo.

Ito ang kinumpirma ni Barangay Kapitan Porferia Gumbao ng Barangay San Roque sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Kapitan Gumbao, isang residente ang pumunta sa sagingan upang kumuha ng dahon ng saging nang matagpuan nito ang isang sanggol na umiiyak at marumi na palatandaan na umano’y tinangkang patayin.

Malaking himala umano na nabuhay ang sanggol dahil marami na itong nakain na lupa at marami nang kagat ng lamok at langgam.

Kaugnay nito, kinundena ni Kapitan Gumbao ang ginawa ng hindi pa nakikilalang ina nito at nanawagan na boluntaryonag sumuko.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imabestigasyon ng mga otoridad sa ina na nag-iwan ng sanggol sa sagingan.

Sa ngayon, inaalagaan na ng DSWD ang sanggol matapos na makarecover at dinala sa South Cotabato Provincial Hospital.

Marami naman ang nais na umampon sa baby girl.