-- Advertisements --

Kinumpirma ng Kurdish Red Crescent ang pagkamatay ng bagong panganak na sanggol ni Shamima Begum, isang kilalang British ISIS bride.

Nanganak si Shamima sa isang Syrian refugee camp noong Pebrero.

Ngunit napag-alaman na inilipat ang mag-ina sa isang ospital sa al-Hasakah City matapos humina ng kalusugan ng sanggol.

Umalis si Begum sa London upang sumali sa ISIS noong 15-taong gulang pa lamang siya at 19-taong gulang naman ng manganak ito.