-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY – Kaagad nasawi ang isang sanggol matapos aksidenteng nahulog sa balde ng delivery room ng health center sa Barangay Mercedes sa Lungsod ng Zamboanga.

Sa impormasyong nakalap ng Star FM Zamboanga, habang naghahanda ang midwife sa nasabing center upang tulungan ang pasyente ay hindi nito namalayan na nakaiere na pala ng nanay.

Samantala, hindi naman magsasampa ng rekalamo ang pamilya ng biktima kundi hiling na tulungan sila sa pagpapalibing sa sanggol at iba pang gastusin sa aksidente.