-- Advertisements --
Screenshot 2021 01 02 12 21 31

BACOLOD CITY – Labis ang pasasalamat ng ina ng sanggol sa bayan ng La Castellana dito sa lalawigan ng Negros Occidental matapos mailigtas ng mga doktor ang kanyang anak na iniluwal na hindi humihinga.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Bacolod, hindi sumuko ang team ni Dr. Enrico Elumba, Paul Abraham Cortez at Benedict Hamla kung hindi narevive ang sanggol na babae sa pamamagitan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Ang sanggol ay ipinanganak na hindi humihinga at unti-unti nang nangingitim.

Ayon kay Cortez, ang 18-anyos na ina ay nahirapan sa paghinga habang nanganganak na isa sa mga dahilan kung bakit hindi na rin humihinga ang sanggol.

Aniya, idedeklara na sana ng isang staff kay Elumba na patay na ang sanggol ngunit pumunta ang doktor sa emergency room at nagbigay ng instruction na gawin ang CPR.

Kaagad na isinagawa ni Elumba ang mouth-to-mouth resuscitation at nagsimula ang sanggol sa paghinga makalipas ang halos 30 minutong CPR.

Dahil dito, pinangalanan ang baby girl kay Enrica Paula na inspired sa first name ng doktor.