-- Advertisements --
image 162

Binawian ng buhay ang isang Sangguniang Bayan member ng San Mateo, Isabela at ang isa pa nitong kasamahan matapos maaksidente ang sinasakyan nitong kotse sa Cabatuan.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Sangguniang Bayan member Michael Angelo Ramones at si Mario Acupan, isang barangay peacekeeping action team member.

Batay sa imbestigasyon, tinatahak ng kotse ni Ramones ang kalsada ng Barangay Saranay papuntag sentro ng Cabanatuan nang makarating umano sa kurbadang bahagi ng kalsada ay sumalpok sa concrete perimeter fence ang kotse matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Naisugod pa sa ospital ang mga sakay ng kotse pero idineklarang dead on arrival ng doktor sina Ramones at Acupan.

Samantala, sugatan naman ang isa pa nilang kasamahan na si Sonny Baysa, isang barangay chairperson.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.