CENTRAL MINDANAO-Nabawi ng militar ang mga matataas na uri ng mga armas sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Alex Rillera na nagsagawa ng combat clearing operation ang mga kasapi ng Marine Battalion Landing Team 5 (MBLT-5) sa Barangay Nabalawag Barira Maguindanao Del Norte.
Nadiskubre ng mga sundalo sa limang abandonadong bahay ang anim na rocket-propelled grenade launchers, 19 81mm ammunition, dalawang mortar base plate, hindi matukoy na bilang ng mga bala ng cal. 50, rifle grenades, M203 ammunition, isang rocket-propelled grenade, at iba pang war materials.
Agad namang dinala ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Ist Marine Brigade ang mga bala at pampasabog sa kanilang kampo.
Pinuri ni Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Roy Galido ang tropa ng MBLT-5 sa matagumpay na operasyon.
Tiniyak Galido na mas lalo pa nilang paiigtingin ang pagbabantay katuwang ang pulisya upang mapigilan ang masamang balak ng mga armadong grupo na banta sa seguridad ng Mamamayan.