-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihahanda na ng kapulisan ang kasong haharapin ng isang Jeremy Magaoay, 27, subject sa search operation at residente ng Brgy. 35 Pipias, Bacarra, Ilocos Norte matapos ang naturang operasyon.

Nakarekober ng mga otoridad ang dalawang umano’y rifle grenade, at isang magazine ng kalibre .45 na baril na may pitong bala.

Ayon kay Magaoay, naniniwala ito na planted ang mga narekober na bagay sa loob ng kanyang bahay sa nasabing barangay.

Paliwanag nito, nang makarating sila sa kanilang tahanan mula sa simbahan sa unang araw ng misa de gallo ay biglang pumasok ang mga otoridad sa kanilang bahay habang naghahanda ng kanyang pamilya ng almusal.

Inamin naman ni Magaoay na dating sangkot siya sa nangyari pamamaril noong taong 2017 at na-dismiss ang kaso laban sa kanya.

Kinumpirma naman ni Barangay Kagawad Yolanda Bagcal na mula sa datos ng barangay ay nangyari ang pagpapaputok ni Magaoay ng kanyang baril sa bayan ng Pasuquin noong taong 2017.