-- Advertisements --
Inilabas na ng Ethiopian Airlines ang kanilang inisyal na imbestigasyon sa naganap na pagbagsak ng 737 Max 8 na ikinasawi ng 157 katao noong nakaraang buwan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng problema ang mga piloto ng Ethiopian Airlines flight 302 sa automated systems nito sa kabuuang anim na minutong flight nito.
Sinubukan pa ng mga ito na sagipin ang eroplano bago tuluyan itong sumadsad.
Sinasabing ang nangyari sa Ethiopian airlines ay kaparehas din ng naganap sa Lion Air Indonesia.
Tiniyak naman ng kumpanyang Boeing na kanilang babaguhin ang Maneuvering Characteristics Augmentation System (MCAS) at isasailalim sa pagsasanay ang mga piloto.