Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pamunuan ng MRT-3 kung ano talaga ang sanhi sa pagkakasunog ng isang bagon nuong Sabado ng gabi na ikinasugat ng walong indibidwal.
Sa isang statement na inilabas ng MRT-3 kanila ng sinusuri ang lahat ng posibleng anggulo para matukoy ang sanhi ng sunog.
Siniguro naman ng pamunuan ng MRT-3 na gagawin nila ang lahat ng counter measures para hindi na maulit pa ang nangyaring insidente.
Magugunita na nuong October 9,2021, bandang alas-9:12 ng gabi ng bigla na lamang lumiyab ang huling train car ng northbound train sa may bahagi ng Buendia at Guadalupe stations.
Dahil sa insidente, agad inatasan ng MRT-3 ang kanilang maintenance provider, Sumitomo Corporation, na magsagawa ng malalimang investigation kasama ang management ng MRT-3 para mabatid ang root cause ng insidente.
Humingi naman ng paumanhin ang MRT-3 sa mga pasahero na naapektuhan sa nasabing insidente.
Sa nasabing insidente apata na pasahero ang sugatan, apat dito ay babae habang apat naman ang lalaki na pwang nagtamo ng minor injuries matapos silang lumundag sa train.